150,000 MT ng asukal na planong angkatin ng DA sa susunod na buwan, kaya ng local production kung walang mananalasang bagyo hanggang sa Oktubre

Hiniling ng grupo ng mga magsasaka sa Department of Agriculture (DA) na pag-usapan munang mabuti ang planong pag-import ng asukal sa susunod na buwan.

Ayon kay Rosendo So, pinuno ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), dapat na alamin muna ang produksyon ng asukal sa bansa para malaman kung ilan lamang ang dapat nating angkatin.

Aniya, kakayanin naman ng local production natin ang 50,000 metriko tonelada ng asukal lalo’t nagsisimula na ang anihan ngayong Agosto.


Posible rin na maabot ng bansa ang 150,000 metric tons na plano nitong angkatin sa susunod na buwan basta’t hindi mapipinsala ng bagyo ang mga tubuhan.

Punto pa ni Ka Sendo, patuloy pa ring dumarating sa bansa ang mga asukal na inangkat ng Sugar Regulatory Administration mula sa Sugar Order No.3

Dahil dito, iginiit ng grupo na dapat nang ibaba sa ₱80 ang kada kilo ng asukal.

Facebook Comments