1,501 na mga pulis nagsisilbing electoral board matapos umatras ang mga guro ngayong eleksyon

Isang libo limangdaan at isa na mga mga pulis ang nagsisilbi ngayong electoral board matapos na umatras ang mga gurong magsilbing electoral board ngayong halalan.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, 226 sa mga pulis ay nagsilbing electoral board sa Laguna, Batangas at Rizal.

292 pulis nagsilbi sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon at Naga.


13 pulis nagsilbing electoral board sa Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Isabela City.

411 namang mga pulis nagsilbi sa Lanao del Norte, Misamis Occidental at Iligan City.

18 pulis nagsilbi sa Abra at Mountain Province at 472 nagsilbi sa Maguindanao, Lanao del Norte at Sulu.

Sa Marikina naman 34 na pulis ang nagsilbing electoral board.

Una nang sinabi ni PNP Chief na halos tatlong libong pulis ang sinanay ng Comelec para maging electoral board kung kinakailangan.

#RMNbantaybalota2019

 

Facebook Comments