15,026 BENEPISYARYO SA DRIVERS EDUCATION CENTER, NAITALA SA REGION 1

Nakapagtala ng libo-libong benepisyaryo ang Land Transportation Office Region 1 sa ilalim ng Driver’s Education Center sa pagsisikap na gawing edukado ang mga gumagamit ng lansangan ngayong taon.

Base sa datos, as of December 2, mayroong 15,026 na benepisyaryo ng libreng Theoretical Driving Course sa buong rehiyon kung saan mas mataas sa bilang na 8,642 ang kalalakihan habang 6,384 naman ang kababaihan.

Bukod dito, 266 naman ang dumalo sa Conductor’s Theoretical Course at 1,890 naman ang kabuuang nakiisa sa Driver’s Re-Orientation Course sa naturang petsa.

Kaugnay nito, muling tiniyak ng tanggapan ang patuloy na pagsasagawa ng mga naturang kurso upang pairalin sa mga driver ang disiplina at pagtalima sa mga batas at regulasyon sa pagmamaneho para sa kaligtasan sa mga kakalsadahan.

Facebook Comments