151st MALASAKIT CENTER, BINUKSAN SA QUIRINO PROVINCE MEDICAL CENTER

Cauayan City, Isabela- Binuksan na ang ika-151 na Malasakit Center sa Quirino Province Medical Center sa lalawigan ng Quirino.

Ayon kay Gov. Dakila Carlo Cua, malaki ang impact ng programang Malasakit Center kung saan nakataang rin ang lalawigan ng inisyal na pondo na halagang P3 milyon mula sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag naman ni Senator Bong Go sa virtual speech nito na mayroon pang karagdagang P10-M fund na ilalaan ng kanyang opisina para sa Malasakit Center sa Provincial hospital.

Ayon naman kay QPMC OIC-Chief of Hospital Dr. Margarette Jean De Guzman, higit na makatutulong ito sa mga higit na nangangailangan na pasyente.

Ang Malasakit Center ay isang One-Stop Shop Center na naglalayong makapagbigay ng Medical at Financial Assistance para sa ating mga indigent na mamamayan. Ang mga partner agencies ng Malasakit Center ay ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philhealth, Philippine Charity Sweepstakes Office at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Facebook Comments