153 SENIOR CITIZENS, TUMANGGAP NG LONGEVITY CASH GIFT

CAUAYAN CITY – Pinangunahan ng lokal na pamahalaan sa ilalim ni City Mayor Atty. Sheena Tan ang pamamahagi ng Longevity Cash Gift para sa ika-11 batch ngayong taon.

Umabot sa 153 senior citizens ang nakatanggap ng nasabing benepisyo, na inilaan para sa mga residente ng Santiago na 75 taong gulang pataas at naninirahan sa lungsod nang hindi bababa sa 10 taon.

Ang programa ay bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa mga nakatatanda, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa komunidad.


Inaabisuhan naman ng City Government of Santiago na magtungo lamang sa opisina ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA)  sa mga may katanungan hinggil sa aplikasyon at mga kailangang dokumento.

Facebook Comments