Nakakita ng possible criminal liability ang Department of Justice (DOJ) sa mga police officers na sangkot sa mga kasong sumailalim sa review ng ahensiya.
Kasunod ito ng hindi pagsang-ayon ng DOJ sa findings ng Philippine National Police – Internal Affairs Services (PNP-IAS) hinggil sa posibleng pananagutan ng mga pulis na sangkot sa mga drug operation.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, batay sa mga impormasyong kinalap ng PNP-IAS, hindi lamang kasong administratibo ang posibleng kaharapin ng mga pulis kundi maging ang kasong kriminal.
Partikular na tinukoy ni Guevarra ang 55 cases mula sa PNP na nakapaloob sa ikalawang review ng DOJ kung saan sangkot ang 154 police officers.
Unang nakumpleto ang first drug war reports noong December 2020.
Sa ngayon, makikipagtulungan ang DOJ sa PNP para regular na imbestigahan ang mga operasyon kontra iligal na droga sa bansa.