154 pumasa sa Shari’ah Special Bar Exams — SC

Umabot sa 154 na examinees mula sa kabuuang 628 ang pumasa sa Shari’ah Special Bar Examinations ngayong taon.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice Antonio Kho, katumbas ito ng 24.48% ng kabuuang mga kumuha ng pagsusulit.

Isinagawa ang Special Bar Exams sa noong May 25 at May 28 sa apat na local testing centers partikular sa University of the Philippines Diliman, Mindanao State University – Iligan Institute of Technology, Ateneo de Davao University at Ateneo de Zamboanga University.

Nagpaabot naman ng pagbati si Justice Kho na siyang nagsilbing Chairperson sa 2025 Shari’ah Bar Exams sa lahat ng mga nakapasa.

Samantala, ilalabas ang mga detalye sa clearance procedure at general guidelines on Oath Taking and Roll Signing Ceremonies matapos maisapubliko ang mga resulta.

Facebook Comments