1,546 LGUs, nagdeklarang persona non grata laban sa CPP-NPA-NDF

Inihayag ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umabot na sa 1,546 Local Government Units (LGUs) sa buong bansa ang nagdeklarang persona non grata ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa 1,715 LGUs sa buong bansa, 1,546 o katumbas ng 64 na mga lalawigan, 110 na mga lungsod, at 1,372 na mga munisipalidad ang nakapagpasa na ng mga resolusyon na nagdedeklara sa communist terrorist groups bilang persona non grata sa kani-kanilang lugar habang ang natitirang 169 LGUs ay nasa deliberasyon pa sa kani-kanilang mga konsehong panlalawigan, panlungsod, at pambayan.

Dagdag pa ng kalihim na may 12,474 barangay sa buong bansa rin ang nagdeklara ng CPP-NPA-NDF bilang persona non grata.


Giit ni Año, katulad ng pakikidigma laban sa pandemya ng COVID-19, kailangan nilang wakasan na ang matagal na problemang ito gamit ang whole-of-nation approach, at ang suporta mula sa mga LGU ay nagbibigay sa kanila ng malaking katiyakan na hindi sila nag-iisa sa giyerang laban sa mga Ateista, Maoists na mga terorista.

Facebook Comments