Umabot sa 155 bilang ng mga nasawi kada araw ang naitatala ng Department of Health (DOH) nitong Agosto.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nalagpasan nito ang datos noong Abril na nasa 135.
Batay rin sa datos, sumampa sa 99 pagkasawi dahil sa COVID-19 ang naitatala ng kagawaran na naganap mula September 1 hanggang 19.
Mahigpit namang binabantayan ang National Capital Region (NCR), Regions 1, 2, 3, 4A, 6, 7 at Cordillera Administration Region (CAR) dahil dito nanggaling ang mataas na kaso ng pagkasawi.
Sa ngayon, mababa pa rin ang case fatality rate ng Pilipinas na nasa 1.68% kumpara noong nakaraang taon na nasa 2.47%.
As of September 20, nasa 36,934 na ang kabuuang namatay sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
Facebook Comments