1,551 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ng DOH kahapon!

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,551 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Dahil dito, sumampa na sa 4,000,783 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa, kung saan nakapagtala ng 21,685 ng aktibong kaso.

Pumalo naman sa 3,915,139 ang mga gumaling sa virus matapos makapagtala ng 1,049 na bagong mga naka-rekober.


Habang, 38 naman ang naitala ng DOH na panibagong nasawi dahil sa COVID-19, kaya naman umakyat na sa 63,959 ang kabuuang namatay sa sakit.

Samantala, sa datos naman na inilabas ni OCTA fellow Dr. Guido David na nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 kahapon, kung saan umabot ito sa 364 cases.

Facebook Comments