156 KABATAAN, SINAGIP NG DSWD MULA SA ISANG CARE FACILITY SA PAMPANGA

Sinagip ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 156 kabataan mula sa isang pasilidad na pinamamahalaan ng New Life Baptist Church of Mexico, Pampanga Inc., matapos makatanggap ng mga ulat ng umano’y pang-aabuso.
Ayon sa DSWD, natuklasan sa lugar ang masikip na tulugan, maruruming banyo, barbed wire sa gate, at iba pang panganib tulad ng fire hazards.
May mga ulat rin ng physical, verbal, at psychological abuse na nagbunsod sa agarang rescue ng DSWD Field Office 3, katuwang ang Women and Children Protection Desk ng Pampanga Police.
Naglabas ng Cease and Desist Order si DSWD Secretary Rex Gatchalian laban sa pasilidad, at kasalukuyang nasa ligtas na pangangalaga ang mga bata sa Reception and Study Center for Children (RSCC).
asyon. Giit nila, ang pasilidad ay nagbibigay ng libreng tirahan, pagkain, edukasyon, gamot, at espiritwal na gabay.
Anila, ang kanilang layunin ay hindi negosyo kundi tunay na ministeryo na naglilingkod mula sa puso.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang naninindigan ang dalawang panig sa kani-kanilang paniniwala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments