156 na LSI nasundo na ng Task Force Sagip ng North Cotabato Government

Labing anim na van ang sumundo sa dagdag na 156 Local Stranded Individuals (LSIs) at 5 OFWS na nakapag register sa TASK FORCE Sagip Stranded North Cotabateños noong Sabado sa pangunguna ni Team Mission Head Junmar Gonzales.
Ang mga LSI na nasundo ay registered mula sa iba’t ibang mga barangay na sakop na syudad.
Dumating ang Mission team ng TF sagip mula sa Davao City ganap nang alas tres ng hapon.
Lahat ay sumailalim sa decontamination na isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Amas Capitol compound.
Sasailalim sa 14 day quarantine ang mga LSI sa ilalim ng monitoring mg LGU lung saan sila nakatira.
Basi sa datus, ang 156 ay kabuuan ng sumusunod na bilang: Magpet 23, Kidapawan 22, Midsayap 16, Kabacan 15, President Roxas 15, Pikit 7, Pigcawayan 6, Matalam 4, Tulunan 4, Mlang 3, Libungan 6, Carmen 7, Arakan 2, Antipas 6, Alamada 5.
Hinihiling naman ni North Cotabato Gov. Nancy Catamco ang kooperasyon ng LSI na dumating sa Probinsya upang matiyak na manatiling ligtas laban sa Covid ang probinsya.
PGO North Cotabato Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments