159 Immigration employees at inmates sa BI detention center, negative sa COVID-19

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na 75 sa kanilang mga tauhan na nakatalaga sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig City at 84 foreign detainees ang negatibo sa COVID-19.

Ayon kay Immigration Medical Section Chief Dr. Marites Ambray, kapos sila sa test kits kaya 40 alien inmates lamang ang naisailalim sa COVID-19 test.

Bunga nito, ipinatutupad na lamang ang palagiang paglilinis sa mga pasilidad ng kulungan at ino-obliga ang mga dayuhang inmates na laging mag-sanitize.


Nananatili ring suspendido ang dalaw sa inmates.

Tiniyak din ng BI na pabibilisin pa ang deportation sa mga presong banyaga para maiwasan ang pagsiksikan sa detention cell.

Facebook Comments