Dry-run ng zipper lane sa southbound lane ng Katipunan Ave., ipatutupad na bukas

Aarangkada na bukas, October 2, ang dry run ng zipper lane sa kahabaan ng southbound lane ng Katipunan Avenue sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Local Government Unit (LGU), maaaring gamitin ng mga motorista ang zipper lane sa U-turn slot sa harap ng UP-Town Center mula 6:30 A.M. hanggang 8:00 A.M. tuwing Lunes hanggang Biyernes maliban sa holidays.

May dalawa naman itong exit sa harap ng La Vista Subdivision gate sa Mangyan Street at sa harapan ng Miriam College Gate 3 sa Katipunan Avenue.


Magpapadala naman ang lokal na pamahalaan at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga traffic enforcer sa lugar at maglalagay rin sila ng mga traffic directional signages para gabayan ang mga motorista.

Layon ng zipper lane na bawasan ang dami ng mga kotseng gumagamit sa southbound lane ng Katipunan sa harap ng Miriam College.

Facebook Comments