15k katao inaasahang dadagsa sa Lingayen Beach ngayong long weekend

Aabot sa higit 15, 000 na katao ang inaasahang dadagsa sa Lingayen Beach Pangasinan sa darating na long weekend ayon sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Patrick Aquino ng PDRRMO, isa sa mga babantayan ng ahensya ang Lingayen Beach na dinarayo ng bawat pamilya at turista sa panahon ng long weekend.
Magtatalaga ang ahensya ng 10 medical post team sa Lingayen Gulf na siyang aalalay sa mga maliligo sa dagat.
Inaasahan na rin ngayong araw ng ahensya na dadagsain na ang mga tourist destination sa dito sa lalawigan ng Pangasinan.
###

Facebook Comments