15-K pulis Maynila, sinimulan nang ipakalat ng MPD para sa pista ng Itim na Nazareno

Sinimulan na ng Manila Police District (MPD) ang paglalatag ng seguridad para sa nalalapit na kapistahan ng Itim na Nazareno

Ayon kay MPD Director Col. Arnold Thomas Ibay, nasa 15,000 mga pulis ang ipakakalat sa buong Maynila para tiyakin ang seguridad ng mga deboto.

Sinimulan na rin aniya ng MPD ang paglalagay ng mga checkpoint sa paligid ng simbahan ng Quiapo.


Mahigpit na ipinagbabawal ng MPD sa mga deboto ang pagdadala ng backpack, pagsusuot ng sumbrero, mga matatalim na bagay, o anumang uri ng armas.

Samantala, maliban sa MPD ay tutulong din ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagbibigay ng seguridad sa pista ng Quiapo.

Facebook Comments