16 anyos at 3 iba pa, Arestado nang Maaktuhang Bumabatak ng Droga!

87

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 16 anyos na estudyante at tatlo pang kalalakihan matapos maaktuhang bumabatak at nagbebenta ng droga sa Brgy. Catabayungan, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Zoren Callueng, 25 anyos, contruction worker, Raymund Albert Tarayao, 24 anyos, drayber, Paul Quilang, 25 anyos, studyante at isang menor de edad na pawang mga residente sa bayan ng Cabagan, Isabela.


Dakong alas 12:40 kaninang madaling araw nang matiklo at mahuli ang mga suspek sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad kung saan narekober sa kanilang pag-iingat ang dalawang (2) transparent sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang (1) maliit na pakete ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, apat (4) na cellphones at pera na Php7,300.00.

Ang mga suspek at mga narekober na item ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments