16-anyos na Batang lalaki, Binawian ng buhay dahil sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Naitala ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay ng isang pasyente dahil sa COVID-19 sa Lalawigan ng Apayao.

Batay sa abiso ng Apayao Provincial Government, binawian ng buhay ang isang 16-anyos na batang lalaki at locally stranded individual na ikalawang positibong kaso sa bayan ng Calanasan.

Lumabas sa pagsusuri ng doktor, may acute respiratory failure at pineal gland tumor na sinamahan pa ng obstructive hydrocephalus status post ang sanhi ng pagkamatay ng pasyente subalit ikinonsidera pa rin ito na COVID-19 related dahil hindi nito natapos ang 14-day quarantine bago maideklarang fully recovered.


Una nang nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka ang pasyente hanggang sa bawian ito ng buhay habang nagpapagaling sa kanilang tahanan matapos lumabas na negatibo ito sa ikalawang swab test.

Napagdesisyunan naman ng mga doktor na muling isailalim sa swab test ang pasyente kahit ito ay binawian na ng buhay kung saan negatibo ito sa virus.

Facebook Comments