16-anyos na binatilyo, patay matapos masagasaan ng tren ng PNR

España, Maynila – Patay ang 16-anyos na binatilyo matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railways sa España, Maynila.

Nakaladkad pa ang biktimang si John Genesis Monsayac nasa 150 metro ang layo matapos siyang masagasaan ng tren habang papatawid sa riles.

Ayon sa mga nakasaksi, nakasuot ng headset ang biktima kaya maaring hindi nito narinig ang busina ng tren.


Hindi naman makapaniwala ang pamilya ng biktima sa nangyari dahil papasok na sana sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa tayuman ang binatilyo ng mangyari ang insidente.

Facebook Comments