16-anyos na lalaki, kinagat ng pating habang nasa isang dagat sa US

NORTH CAROLINA, US – Sugatan ang isang binatilyo matapos makagat ng isang pating habang nasa isang beach noong Huwebes, bandang alas 4pm.

Ayon sa tatay ng biktima, inatake ang lalaki malapit sa buhanginan.

Bigla na lang daw nagsisisigaw ang kanyang anak kaya agad niya itong tinalon.


Walang takot na nilabanan ng dalawa ang pating ngunit nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan ang binatilyo.

Agad naman itong naisugod sa ospital kung saan ito sumailalim sa gamutan at nakatanggap ng 17 tahi sa pinsalang natamo mula sa kagat ng hayop.

Samantala, naitalang hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong may umatakeng pating sa North Carolina coast.

Ngunit mas kaunti raw ang naturang pag-atake ngayong taon kumpara noong 2019 ayon sa tala ng International Shark Attack File at isa umano sa dahilan ay ang COVID-19 pandemic dahil kaunti lang ang mga taong nagpupunta sa mga dagat.

Facebook Comments