16 bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa, naitala ng DOH

Umaabot na sa 35 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 16 na bagong kaso ng Delta variant.

5 sa mga ito ay returning Overseas Filipinos habang 11 ang local cases.


3 mga nagpositibong returning Filipinos ay may travel history mula sa United Arab Emirates (UAE), Qatar at United Kingdom habang ang 2 ay inaalam pa kung saang bansa sila nanggaling.

2 sa mga kaso ay mula sa Metro Manila, 1 mula sa Region 3, 2 mula sa Region 6 at 6 mula sa Region 10.

15 naman sa mga pasyenteng may Delta variant ang naka-recover na habang isa ang nasawi.

Ang mga pasyenteng nagpositibo sa Delta variant ay may edad 14 hanggang 79 kung saan 10 rito ay mga babae.

Facebook Comments