Pinangunahan ng isang Kumander Wazire Kumpas ang 12 BIFF Members na nagbalik loob sa 33rd IB habang 4 naman ang nagbalik loob sa pamunuan ng 40th IB ang iniharap ng 6th ID sa mga kagawad ng Media ngayong hapon.
Isinagawa ito sa presensya ni ADC BGen Juvy Max Uy kasama ang mga opisyales ng 1st Mechanized at 601st Brigade.
Present rin sa aktibidad si MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo, at mga alkalde ng GSKP at SSB.
Kasama sa mga ibinalik ng mga BIFF Members ang kanilang mga armas at mga sangkap sa paggawa ng IED.
Sinasabing pagod na sa pakikipagdigma ang isa sa dahilan ng mga nagbalik loob na mga rebelde.
“Andito na ang BARMM” isa rin sa sagot ng isa sa mga sumuko .
Agad namang nagpaabot ng paunang ayudad ang BARMM Government sa mga returnees. Mismong si Minister Sinarimbo ang nagkaloob ng Financial Assistance at Bigas sa mga ito.
Kaugnay nito, base sa record ng Kampilan Division , tinatayang nasa 115 na BIFF mula sa mga Faction ni Kagui Karialan at Bungos ang nagbalik loob sa pamahalaan simula noong 2018.(D.A)
16 BIFF nagbalik loob sa pamahalaan
Facebook Comments