
Dumating na sa bansa ang 16 na distressed Overseas Filipino workers (OFWs) mula Jeddah, Saudi Arabia.
Sila ay pawang mula sa shelter ng Philippine Embassy kung saan sila naghintay ng kanilang repatriation.
Agad naman silang binigyan ng medical attention at tulong pinansyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kanilang pagdating sa Pilipinas.
Ang repatriates naman na uuwi sa malalayong lalawigan ay dinala muna sa hotel habang naghihintay ng kanilang domestic flights.
Ang naturang OFWs ay nakaranas ng iba’t ibang problema sa kanilang employer sa Jeddah.
Facebook Comments









