Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng tatlong (3) kaso ng COVID-19 variants ang Lambak ng Cagayan.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health Region (DOH) 02 na kung saan nagmula ito sa tatlong Lalawigan tulad ng Cagayan, Isabela at Quirino.
Ayon sa DOH, mula sa bilang ng naitalang kaso, 14 dito ay UK variant at dalawa (2) ang South African variant.
Siyam (9) rito ay pawang mga local transmission at pito (7) ay mula sa mga Returning Overseas Filipino.
Ang mga kaso ng UK Variant sa Isabela ay naitala mula sa City of Ilagan, sa mga bayan ng Alicia, Benito Soliven, Cordon at Gamu habang mayroon din sa Tuguegarao City at bayan ng Peñablanca sa Cagayan samantalang sa bayan naman ng Diffun sa Quirino.
Naitala naman ang dalawang (2) kaso ng South African variant sa bayan ng Baggao, Cagayan at sa Sta. Maria, Isabela.
Natuklasan ang mga nasabing variants ng COVID-19 sa rehiyon dahil umano, sa regular na pagpapadalang samples sa Maynila upang isalang sa genome sequencing sa Philippine Genome Center.
Sa ngayon, wala pang kaso ng Indian Variant ang nakitang naitala sa rehiyon na mas mapanganib at kinakatakutang variant ng Covid-19.