16 Katao na Tinamaan ng Delta variant sa Cagayan Valley, Nakarekober na

Cauayan City, Isabela-Kinumpirma ng Department of Health Region 2 na nakarekober na mula sa sakit na COVID-19 Delta variant ang 16 na napaulat na tinamaan ng naturang sakit.

Ayon kay Shiela Marie Villamil, Nurse V na base sa latest biosurveillance report ay wala ng aktibong kaso ng delta variant sa buong region 2.

Aniya, kasalukuyan pa rin ang kanilang imbestigasyon sa bawat kaso upang matukoy kung may iba pang mga close contacts ang mga nahawaan ng virus kung saan posibleng tinamaan rin ng naturang variant of concern.


Ipinaliwanag rin niya ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagkaantala sa paglabas ng resulta ng mga kaso ng variant of concern ay dahil sa marami umanong sinusuri ang Philippine Genome Center na mga specimen samples.

Giit niya, tanging ang UP-PGC lamang ang nagsisilbing testing center sa bansa ng mga kaso ng COVID-19 strain.

Sinabi rin ni Villamil na may apat na variants of concern ang natukoy sa region 2 kung saan 17 sa kabuuan ang mayroon sa Delta, 202 cases naman sa Alpha, 30 cases naman sa Beta at isa sa Theta variant.

Mula sa nasabing kaso, 181 na ang nakarekober at 21 ang naitalang nasawi sa Alpha variant, 28 ang nakarekober at dalawa ang kaso ng pagkamatay sa Beta at isang kaso naman sa Theta variant na pawang nakarekober na rin pero patuloy pa rin na iniimbestigahan.

Magugunita na mula sa 16 na kaso ng Delta variant, 13 mula dito ay sa Isabela, dalawa sa Cagayan at isa sa Nueva Vizcaya.

Facebook Comments