16 mangrove areas sa dalawang bayan sa Oriental Mindoro, apektado ng oil spill

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na umaabot na sa 9,589 meters na mangrove areas sa dalawang bayan sa Oriental Mindoro ang apektado ng oil spill.

Kaugnay pa rin ito ng paglubog ng MT Princess Empress.

Ito ay mula sa 164,481.55 square meters ng 16 mangrove areas na binabantayan sa anim na barangay sa Pola at isa sa Naujan, Oriental Mindoro.


Ayon sa PCG, ang pinakamalaking apektadong mangrove area ay sa Barangay Batuhan sa Pola na may tagpi-tagping mantsa ng langis at may lawak na 8,889 square meters.

Tiniyak naman ng PCG na ang mga mantsa ng langis ay walang banta sa kapaligiran at maging sa mga mangrove.

Facebook Comments