16 manlalaro ng NBA, nagpositibo sa COVID-19

70

Umabot na sa 16 manlalaro ng National Basketball Association (NBA) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa Coronavirus testing ang 302 na players nito.

Ang COVID-19 mass testing ay bahagi ng pinatutupad na protocol ng NBA bago muling buksan ang liga sa July 30, 2020 sa Walt Disney World Resort sa Florida, USA.


Maliban dito, sisimulan na rin ang training camp ng mga koponan sa Hulyo 9 hanggang 29, 2020 sa nasabing resort.

Nilinaw naman ng NBA na tanging mga head coach lamang ang pwedeng isama sa individual workouts ng bawat koponan.

Matatandaang pinayagan ang pagbabalik-laro ng NBA sa Hulyo pero tanging 22 koponan lang ang makakalahok mula sa dating 30 teams.

Facebook Comments