16 METERS | Marikina river, iniakyat muli sa alert level 2

Marikina – Itinaas muli sa alert level 2 ang Marikina river.

Ito ay matapos umakyat sa 16 meters ang lebel ng tubig bunsod ng mga pag-ulang dala ng habagat.

Sa ilalim ng alert level 2, ipinatutupad na ang voluntary evacuation habang force evacuation na ang gagawin kapag umakyat sa 18 meters ang antas ng tubig sa ilog.


Facebook Comments