16 miyembro ng NPA, patay matapos makipagsagupaan sa hanay ng AFP

Umabot na sa 16 ang bilang ng mga nasawing miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na sagupaan laban sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Barangay Osmeña Dolores Eastern Samar.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Ramon Zagala, nagsimula ang operasyon kahapon ng madaling araw kung saan nakuha ng militar sa mga NPA ang 29 na mga matataas na kalibre ng armas.

Nabatid na unang pinuntahan ng mga sundalo ang bomb making hideout ng mga NPA at doon na nagkaroon nang matinding bakbakan.


Agad na humingi ng suporta ang AFP kaya nagkaroon ng joint ground, air at sea operations laban sa NPA.

Facebook Comments