16 mula sa 50 sundalong nasawi sa C-130 plane crash, nakilala na

Nakilala na ang 16 mula sa 50 military personnel na nasawi sa C-130 plane crash sa Sulu noong Linggo.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, naipagbigay-alam na nila sa mga pamilya ng mga biktima ang nangyari.

Tiniyak naman ng militar na pagkakalooban nila ng psychosocial support, financial support at pensyon ang mga pamilya ng mga nasawing sundalo.


Samantala, dalawa sa mga labi ay na-airlift na sa clark habang ang dalawa na taga-Mindanao ay ibiniyahe ‘by land’.

Facebook Comments