16 na bansa at limang international organization, nagpaabot ng tulong sa mga napinsala ng Bagyong Odette sa Pilipinas

Umabot na sa 16 na bansa at limang international organization ang nagpaabot ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Pilipinas.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec. Ricardo Jalad, kinabibilangan ang 16 na bansa ng;

1) Australia
2) Canada
3) China
4) Hungary
5) Ireland
6) France
7) Singapore
8) Israel
9) New Zealand
10) Switzerland
11) South Korea
12) Sweden
13) United Kingdom
14) USA
15) UAE
16) Qatar


Ang limang organization na nagbigay ng tulong ay ang; ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management (AHA Centre), United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UN OCHA), United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR), European Union (EU), United Nations Children’s Fund (UNICEF) at United Nations Central Emergency Response Fund Secretariat (UNCERF).

Ilan sa mga ipinadalang tulong ay ang; kagamitan sa paggawa ng pansamantalang tirahan, mga tarp, gamit sa kusina, relief items, health items, non-food items, logistics support at pinansiyal na tulong.

Sa ngayon, nasa 1,082,910 pamilya o katumbas ng 4,235,400 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Tinatayang nasa halos P6 bilyong piso naman ang nasira sa sektor ng agrikultura batay sa datos ng Department of Agriculture (DA).

Facebook Comments