16 NA BARANGAY SA LUNGSOD NG CAUAYAN, WALA PA RING SUPLAY NG KURYENTE

Cauayan City – Wala pa ring suplay ng kuryente ang nalalabing 16 na barangay sa Lungsod ng Cauayan matapos ang sunud-sunod na bagyong naranasan.

Sa inilabas na datos ng Isabela Electric Cooperative 1, nasa 77.27% na ng mga barangay na nawalan ng suplay ng kuryente ang kanilang naaayos.

Mula sa 65 barangays sa lungsod na naapektuhan 49 rito ang naibalik na ang kanilang suplay ng kuryente.


Samanatala, nakaapekto naman sa pagbagal ng restoration process ang naranasang paghagupit ng Super Typhoon Pepito kung saan ilang sa mga naayos na mga poste ang muling natumba at inanod ng tubig-baha.

Patuloy naman ang paghingi ng pasensya at pang-unawa ng ISELCO-I sa kanilang mga konsyumer dahil ginagawa ng kooperatiba ang kanilang makakaya upang maayos na ang mga napinsalang poste at kable ng kuryente.

Facebook Comments