Pinalagan ni U.S. President Donald Trump ang 16 estado na nagsampa ng kaso para harangin ang pagpapatayo ng U.S.-Mexico border wall.
Nais ng mga estado na ilipat ang pondong inilaan ng U.S. Congress sa border wall sa iba pang purposes.
Ayon kay Trump – inaasahan na niyang kokontrahin ng 16 States na halos pinangungunahan ng mga miyembro ng open border democrats at radical left ang pagtatayo ng bakod o pader.
Maaalalang isa ang border wall sa prayoridad ng Trump administration kasunod na rin ng tila “pananakop” ng mga undocumented migrants at mga kriminal sa Amerika.
Facebook Comments