16 na estadong kontra sa pagtatayo ng U.S.-Mexico border wall, pinalagan

96

Pinalagan ni U.S. President Donald Trump ang 16 estado na nagsampa ng kaso para harangin ang pagpapatayo ng U.S.-Mexico border wall.

Nais ng mga estado na ilipat ang pondong inilaan ng U.S. Congress sa border wall sa iba pang purposes.

Ayon kay Trump – inaasahan na niyang kokontrahin ng 16 States na halos pinangungunahan ng mga miyembro ng open border democrats at radical left ang pagtatayo ng bakod o pader.

Maaalalang isa ang border wall sa prayoridad ng Trump administration kasunod na rin ng tila “pananakop” ng mga undocumented migrants at mga kriminal sa Amerika.

Facebook Comments