16 na garbage collector sa Navotas, nagpositibo sa COVID-19

Nanawagan ang local government unit (LGU) ng Navotas ng kooperasyon sa mga residente nito hinggil sa pagtatapon ng kanilang basura.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang ilang garbage collector sa lungsod.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, limitadong makaikot ang mga garbage truck sa lungsod para mangolekta ng basura dahil 119 na empleyado ng LGU ang nagpositibo sa COVID-19.


Kasama na rito ang siyam na mga driver at 16 na palero ng garbage truck.

Kaya pakiusap ng alkalde, ilabas lamang ang mga basura kapag nasa lugar na nila ang maghahakot nito.

Samantala, tutulong na rin ang mga tauhan ng barangay sa pangongolekta ng basura sa lungsod.

Facebook Comments