16 na katao, arestado dahil sa iligal na droga sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang 16 na mga tao sa ginawang drug buy bust operation ng station drug enforcement team ng masambong QCDP station 2 sa Sitio San Roque Brgy. Bagong Pagasa Q.C.

Ayon kay Major Ervin Guevarra, hepe ng drug enforcement team, target ng kanilang operasyon si Ludie Abaan na mas kilala sa alyas Daddy.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu kay alyas Daddy na nag kakahalaga ng 500 piso sa loob mismo ng bahay ng suspek.


Nang kumagat na sa pain, agad sumugod ang nakaabang na raiding team at inabutan pa ang 15 mga tao na iba pa, na bumabatak ng shabu.

Nakuha sa bahay ang nasa 10 pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at ginamit na buy bust money.

Kahit may nakumpiskang matibay na ebidensya todo tanggi parin ang mga suspek.

Patong patong na kasong may kaugnay na R.A 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 ang isasampa sa kanila.

Facebook Comments