16 na migranteng manggagawa, patay matapos masagasaan ng tren sa India

Patay ang labing anim na migranteng manggagawa matapos masagasaan ng tren sa bahagi ng Maharashtra sa India.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakatulog sa riles ng tren ang mga migranteng manggagawa dahil sa pagod matapos maglakad dahil sa pagnanais na makakuha ng tren pauwi sa kanilang tirahan matapos ipatupad ang Lockdown bunsod ng COVID-19.

Dahil dito, tiniyak ni Indian Prime Minister Narendra Modi na maibibigay ang tulong sa mga naiwang pamilya ng mga nasawing biktima.


Facebook Comments