Naniniwala ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahalaga na masala nila ng husto ang 16 milyon na mga kabahayaan na sinu-survey at tinitingnan nila kung ano ang hitsura o laman ng bahay ng isang pamilyang Pilipino upang malaman kung pwedeng maging benepisaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.
Sa ginanap na forum sa NPC sinabi ni DSWD Undersecretary Camilo Gudmalin na aalamin ng ahensiya kung ilan ang nakatira sa tahanan, ano ang level ng education kung saan sinisilip ng mga workers ng DSWD kung saan mayroong statistical formula na magdetermina na kung magkano ang estimated income base sa proxi indicators.
Paliwanag ni Gudmalin malalaman nila kung saklaw ng kanilang programa kung nandoon sa below poverty threshold dahil iba’t-iba aniya ang poverty threshold ng bawat probinsiya at siyudad.
Giit ni Gudmalin na kung mahirap ang isang pamilyang Pilipino at kung walang intervention ang gobyerno ang kahirapan ay ililipat lamang sa kanilang mga anak kaya at pinuputol nang gobyerno ang naturang cycle sa pamamagitan ng 4Ps at iba pang mga programa ng gobyerno.