16 na miyembro ng NPA, sumuko sa 39th Infantry Battalion sa North Cotabato

*North Cotabato* – Labing anim na mga indibidwal na sinasabing kasapi ng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa mga kasundaluhan ng 39th infantry battalion at task group Kidapawan City kahapon.

Sa kanilang pagsuko ay kanilang binigyang linaw ang pagkakasangkot nila mula sa na-rekober na 20 piraso ng m16 armalite rifle sa barangay Katipunan Kidapawan City.

Isinailalim na sila sa custodial debriefing at dito ay kanilang inamin ang paglahok sa mga isinasagawang pagpupulong ng mga makakaliwang grupo.


Kanilang nilinaw na wala silang kinalaman sa pagdukot sa pulis na si PO1 Bristol Catalan na binihag noong Agosto 16, 2017.

Facebook Comments