16% na pag-angat sa performance ratings, patunay sa magandang ginagawa ng Kamara

Napatunayan ngayon na gusto ng publiko ang ginagawa ng mga miyembro ng House of Representatives.

Pahayag ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez makaraang umangat ng 16% at pumalo sa +29 ang kaniyang performance rating base sa latest Social Weather Stations (SWS) survey.

Diin ni Romualdez, ang tumataas nyang performance ratings ay bunga ng nagkakaisang dedikasyon ng mga kasamahan nyang kongresista sa pagpasa sa mga panukalanag batas na tumutugon sa pangangailangan ng bansa at mga Pilipino.


Bunsod nito ay nangako si Romualdez na patuloy na magtatrabaho ang Kamara upang masuportahan ang magandang layunin ng administrasyong Marcos na matugunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa at mas mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

Facebook Comments