
16 pang Pinoy na illegal immigrant sa Amerika ang nakatakdang ipa-deport sa Pilipinas.
Sa harap ito ng pagsisimula ng crackdown ng Trump administration sa mga dayuhang iligal na naninirahan at nagtatrabaho sa US.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ilan sa mga ipapa-deport na Pinoy ay walang ligal na dokumento sa kanilang paninirahan sa Amerika.
Ilan din aniya ay may kasong shoplifting sa US.
Kaugnay nito, hinimok ni Ambassador Romualdez ang mga Pinoy na illegal immigrants sa US na ayusin na ang kanilang mga dokumento para maging ligal na ang kanilang paninirahan doon.
Sa ngayon, 300,000 hanggang 350,000 ang Pinoy na iligal na naninirahan sa Estados Unidos.
Facebook Comments