16 na piskal, itinalaga sa bagong posisyon

Manila, Philippines – Hinirang sa bagong posisyon sa Department of Justice ang labing anim na mga piskal.

Base sa appointment letter na natanggap ng Department of Justice (DOJ) mula sa Malacañang, hinirang si Editha Canares Fernandez bilang Senior Assistant State Prosecutor, habang si Agnes Farida Bagafora-Arellano ay nahirang naman bilang Assistant State Prosecutor.

Labing apat naman na iba pang piskal ang itinalaga bilang mga City Prosecutors, habang tatlo naman ang itinalaga sa Provincial Prosecutor.


Apat ang nahirang sa Manila Prosecutors Office kabilang sina Senior Assistant City Prosecutors Erma Joyce Foronda Remudaro at Nelson Panapanaan Pagaduan; Assistant City Prosecutors Manolo Geoffrey Cinco Vergara at Melissa Grace Tanco Perola.

Ang tatlo naman ay sa Makati City na sina Senior Assistant City Prosecutors Julius Caesar Jorge Gaurano at Carmelita Rana delos Santos; at Assistant City Prosecutor Philomel Domantay Francisco Jr.

Si Nikko Reyes Batingana napili naman bilang Assistant City Prosecutor ng Pasig habang si Rina Castillo Alcantara ay Assistant City Prosecutor ng Pasay.

Ang iba pang mga nahirang ay sina Iloilo Associate Provincial Prosecutor Lorevi Grace Carnazo Setias; Iloilo City Assistant City Prosecutor Kareen Porquez dela Cruz; Quezon Assistant Provincial Prosecutor Tristan Jiff Belmonte Cledera at Rizal Senior Assistant Provincial Prosecutor Danilo Trongco Lim.

Facebook Comments