16 na pulis na nag-inuman session sa loob ng police station, sinibak na sa pwesto

Sinibak na sa pwesto ang 15 na mga pulis at ang police commander nito sa Dolores Municipal Police Station sa Eastern Samar.

Ito ay matapos ang viral photos ng 15 pulis na nag-iinuman sa loob mismo ng istasyon.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 8 Spokesperson LtCol. Analiza Armeza, kabilang sa sinibak ang kanilang chief of police na may ranggong police captain dahil na rin sa command responsibility kung kaya’t umabot sa 16.

Ayon sa PRO8, mahigpit na pinagbabawal ang pag-inom ng alak habang naka-duty at sa mga premises, batay na rin sa umiiral na patakaran at regulasyon ng PNP.

Dagdag pa nito, oras na matapos ang imbestigasyon ay ipapataw sa mga sangkot ang nararapat na administrative at disciplinary action.

Nangyari ang inuman session noong December 15 kung saan pinagdiriwang nila ang kanilang Christmas Party.

Facebook Comments