16 na rehiyon sa bansa, nakapagtala na ng kaso ng Delta variant ayon sa DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa 16 na rehiyon sa buong bansa ang mayroon ng naitatalang kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Sa online media forum ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, sinabi nito na karamihan sa mga tinamaan ng Delta variant ay pawang mga Returning Overseas Filipino (ROF).

Ayon pa kay Usec. Vergeire, 16 percent o 1,789 na samples na kanilang nasuri ay positibo sa Delta variant.


Dagdag pa ni Usec. Vergeire, nasa high risk classification pa rin ang National Capital Region (NCR), Regions 4-A, 2, Cordillera Administrative Region at pitong iba pang rehiyon.

Ang iba namang rehiyon sa bansa ay nakikitaan ng DOH ng pagbaba ng kaso ngunit ang national case classification at health system capacity ay nananatili sa high risk.

Aniya, lahat ng lungsod at munisipalidad sa NCR maliban sa Maynila ay nasa alert level 4 na dahil sa dami ng bilang ng kaso ng COVID-19 pero hindi pa rin kailangan magpakampante.

Bukod dito, lumalabas rin sa kanilang datos na
10% ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na nananatili sa mga hospital sa ngayon ay pawang mga mild at asymptomatic.

Facebook Comments