16 na sibilyang tipster, binigyang pabuya ng PNP

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang pagkilala sa 16 na sibilyang tipster mula sa iba’t ibang unit ng PNP na nagbigay ng mahahalagang impormasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga wanted na kriminal sa bansa.

Kabilang sa mga pinarangalan ay ang tipster mula sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na nagbigay ng impormasyon na naging susi sa pagkakaaresto ni PCpl. Salamanque na isang aktibong pulis na sangkot sa pagbebenta at pagpapalaganap ng ilegal na droga sa Bicol region.

Dahil sa operasyong ito, iginawad sa IMEG ang pinakamataas na cash reward na nagkakahalaga ng ₱325,000.00, bilang pagkilala sa epektibong paggamit ng intelligence-driven strategies at dedikasyon sa pagpapanatili ng integridad at internal cleansing sa hanay ng pulisya.

Ayon sa PNP, ang pagbibigay ng gantimpala sa mga impormante ay hakbang upang palakasin ang pakikilahok ng publiko sa laban kontra kriminalidad at sa pagpapanatili ng seguridad sa bansa.

Facebook Comments