Nagpositibo sa COVID-19 ang 16 na turistang bumisita sa Tubattaha Reef Natural Park sa Palawan.
Ayon kay Puerto Princesa City Health Officer Dr. Rick Panganiban, karamihan sa mga nagpositibo ay mga foreign tourist.
Sa inisyal na ulat ng City Health Office, dumating sa lungsod ang mga turista at agad na nagtungo sa Tubattaha sakay ng isang yate at habang nasa biyahe ay may nagkaroon ng sintomas at nagpositibo sa antigen test.
Kasunod nito ay isinalang ang mga dayuhan sa RT-PCR test kung saan 16 dito ang kumpirmadong nagpositibo.
Matatandaang kamakailan lamang ay may 14 na turista rin na nagtungo sa Tubatta Reef ang nagpositibo sa COVID-19.
Facebook Comments