
Inanunsyo ng Philippine Institute Volcanology And Seismology (PHILVOLCS) na nanatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Ayon sa PHILVOLCS, nakapagtala rin ang ahensiya ng 16 na volcanic earthquakes sa loob ng 24-oras na pagmamanman o monitoring sa galaw ng bulkan.
Paliwanag pa ng PHILVOLCS, tinatayang aabot sa 300 tonelada ng pagsingaw ng asupre ang naobserbahan, makapal at napapadpad sa hilagag-silangan direksiyon.
Nabatid na may naobserbahan pa ring pamamaga ng lupa deformation sa dalisdis ng Bulkang Kanlaon.
Dahil dito, muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ng mga local government unit (LGUs) ang publiko na huwag pumasok sa 6 kilometers radius permanent danger zone mula sa bunganga ng bulkan.
Dahil panahon na ng habagat, nagbabala si PHIVOLCS Dir. Dr. Teresito Bacolcol sa mga panahon na makararanas ng malakas na ulan, naroon parin ang panganib ng pagragasa hindi lamang ng lahar katulad ng naranasan noong nakaraang linggo, subalit hindi lamang ito mainit na buhangin kundi may posibilidad na malalaking tipak ng bato ang gumulong o dumausdos na ang iba ay mas malaki pa ng karaniwang bahay.
Sa kasalukuyan, mahigit 20 evacuation centers ang patuloy na tinutuluyan ng mga residente mula sa 6 kilometers permanent danger zone.









