Nakatanggap na ng booster shots laban sa COVID-19 ang nasa 16.2% o katumbas ng 2,018,289 na populasyon sa Central Luzon.
Batay sa COVID-19 case bulletin ng Central Luzon Center for Health Development (CLCHD) noong May 29, nasa 8,308,681 o 66.9% ng kabuuang populasyon ng rehiyon ang fully vaccinated na laban sa sakit.
Sa kabuuan ay mayroong 12,422,172 na populasyon ang pitong lalawigan sa naturang rehiyon noong 2020 census.
Samantala, nakapagtala naman ng 139 na bagong kaso ng COVID-19 ang Region 3 noong May 24 hanggang 30.
Facebook Comments