16 OFWs na nakulong sa Bahrain, binigyan ng royal pardon

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na labing-anim (16) na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakulong sa Bahrain ang nabigyan ng royal pardon.

Ayon sa DOLE, nitong selebrasyon ng Eid Al-Fitr ay 154 inmates ang binigyan ng royal pardon ni King Hamad bin lsa Al Khalifa ng Kingdom of Bahrain kung saan nakabilang ang 16 na mga Pinoy.

Kabilang sa mga nabigyan ng pardon ay mga na-convict dahil sa drug peddling, murder, accessory to murder, attempted homicide, prostitution, embezzlement of funds, pagnanakaw, human trafficking at pagkakasangkot sa away.


Ilan sa kanila ay nakulong na ng halos isang taon habang ang iba ay nakahanay sa death penalty.

Inihayag pa ng DOLE na ang 11 sa 16 na Pinoy na ito ay na-i-deport na sa bansa habang patuloy namang inaayos ang deportation ng apat na iba pa.

Ang iba pang OFW na nabigyan ng pardon na may kinakaharap na kasong drug peddling ay kakaharapin pa rin ang pitong taong pagkabilanggo dahil naman sa kasong human trafficking.

Ang royal pardon na ipinagkaloob noong May 20, 2020 ay patunay lamang ng mas matibay na pagkakaibigan ng Pilipinas at Bahrain.

Facebook Comments