16 pang nag-swimming sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan, nagpositibo sa COVID-19

39

Labing-anim (16) na guest pa sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa kabuuan, 20 na ang nagpositibo sa sakit na pawang mga asymptomatic.


Sa ngayon, 217 guest na ang na-trace ng lokal na pamahalaan mula nang ipasara ang resort noong may 10 dahil sa pag-o-operate nito sa kanila ng ipinatutupad na quarantine restrictions.

Kinasuhan na ang mga “liable officers” ng resort gayundin ang kapitan ng Barangay 171 na nakakasakop dito.

Samantala, umakyat na sa 55 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa viral pool party sa Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City.

Facebook Comments